Loading...

10 Bagay Na Aking Pinagmamalaki Bilang Isang Filipino

Monday, October 20, 2008

Ptt2

Sa wakas ako'y makakapagtagalog na rin. Nakakaloka mag-englis ha halos buong araw, hindi lang sa pagbloblog kundi pati dito sa bahay. Naku, buti na lang nandito ang bagong kagigiliwan nating lahat, lalo na ang mga pinoy, mga tagalog, mga bisaya, mga ilokano, ilonggo, o ano pa sa buong mundo. Ang hirap pa la mag-Tagalog ano? hehehe...

Ang unang tema sa linggong ito:
10 Bagay Na Aking Pinagmamalaki Bilang Isang Filipino

  1. Mapagmahal sa pamilya, kahit may mga asawa't anak na, sumusuporta pa rin sa mga magulang.
  2. Mapagmahal sa asawa at masunorin lalo na sa Maykapal.
  3. May delikadesa at prinsipyo sa buhay.
  4. Mahilig magtrabaho, kaya nga paborito tayong mga Pinoy pagdating sa ibang bansa.
  5. Masarap magluto, ang hirap kayang magluto ng lutuin ng pagkaing Filipino, maraming halo. Kaya magaling tayo dito!
  6. Marunong tumanaw ng utang na loob.
  7. Magalang sa mga matatanda o sa nakakatanda.
  8. Mapag-alaga sa mga magulang.
  9. Mapagmahal sa kapwa at matulungin.
  10. May bilib sa sarili, kaya kahit sa ibang sulok ng mundo, tayo'y nakakapagpatuloy sa buhay.
Kung gusto ninyong sumali sa Pinoy Top Ten. Bumisita lamang sa blog na ito.

Image Hosted by ImageShack.us

1 comments:

FickleMinded October 21, 2008 7:20 PM  

i agree with your number 5,hirap talaga ng pinoy food lutuin.

Post a Comment

Thanks for visiting my blog and for leaving me a comment.
If you do so, please visit my other blogs as well. Thanks and have a nice day!

Garden of Moments
A Momma's Journal
A Shopaholic Diary
Life Expressions
Couple's Love Book
Pinay in States

  © Pinay in States by Ourblogtemplates.com 2009 and header by My Web Blog Designs

Back to TOP